Thursday, September 16, 2010

We Got Married Sweet Potato Couple ;)
tinawag silang goguma couple(sweet potato sa korean) pero make-believe couple sila in short fake married lang eto. favorite kasi ni seohyun ang sweet potato at dahil dun binigyan tuloy siya ng task ng dalawa niyang unnie (tiffany at taeyeon) na kapag makikilala niya ung husband niya at gusto niya ung husband niya sa 1st day isigaw ni "GOGUMA" sa harap nito pero pag ayaw niya "HAMBURGER" daw.. ahaha.. pero ang nakakatwa hindi niya sinigaw tinanong niya lang si yonghwa na husband nia kung gusto ba nito ng sweet potato si yonghwa naman bastos natawa ang wlah. dahil sa show na to nakilala ko ang lalakeng kinababaliwan ko ngayon si yonghwa. buti nalang si seohyun ang wife niya kaya ginganahan akong manood nito kasi pareho ko silang bet.every saturday eto pinalalabas sa MBC so sad kasi wala kaming gnun chanel sa cable dati meron pero patikim lang ng cable.. kahit ganun nakapanood naman ako ng 2 episode niya ung ngbibillard sila at ung gagawa ng kimchi.. hehehe ngayon episode 24 na hmm.. siyempre updated ako kasi mahirap na madaling mabura yan sa youtube. 


Couple ring! :)
hehehe.. binili ni yonghwa para kay seohyun kahit hindi tunay na silver yan tni-treasure naman nila pareho lalo na si seohyun kasi si yonghwa aminado siyang hindi siya maingat sa mga gamit niya. may eksena na si yonghwa nawala niya yang ring na yan dahil dun nasira ang performance nila. nagrambol rambol ang lyrics ng LOVE at wala na sa tono. nahanap naman niya ung ring un nga lang nasira na naputol sa dalawa pero kinabit niya na ng glue :) cute love this couple!


MBC Incheon Korean Wave Performance 

1st live performance nila together! with CNBLUE hihi ang kyut nila tignan. kinanta pa nila ung run devil run na favorite ko sa snsd tapos ung kantang kinompose ni yonghwa para kay seohyun na love light sus maryosep! sino ba naman hindi hahaba pa ang hair niyan? ginawan ka ng kanta. ngayon na,kahit kelan never pang naiinlove o nkakaramdam ng love si seohyun malay natin baka si yonghwa na magpaibig sa kanya o ang hinanap niya. ewan ko lang kung kami lang nakakapansin ni babs pero nun kapag pinanood namin si seohyun muka siyang anemic pero ngayon kung hindi blooming kumikinang basta. hindi kaya dahil kay yonghwa? hmm.. :D sa sobrang adik ko sa show na to lahat ng episode dinadownload ko at biniburn kasi iniisip kahit papano meron akong remembrance nila together. kasi kapag hinanap mo to sa youtube ewan ko nalang kung may makita ka pang buong ep 1-ep24. :D




No comments:

Post a Comment